Wednesday, November 17, 2010

Tinig ng Kalawakan (Episode 3): Kabilang Mundo

Lumipas ang 6 taon at si Arsenio ay handa ng pumasok sa eskuwela.
Nagkaroon sya ng madaming kaibigan. Nakilala nya si Aron, anak ng kapitan ng Puting Bato.
Isang araw napagpasyahan ng dalawa na magpunta sa gubat upang maghanap ng gagamba.
Sa kanilang pag-lalakad ay may nakita silang puting kambing na kanilang ikinagalak sapagkat ito ay napaka-ganda. Sinundan nila ito at hindi nila namalayan na sila ay nakalayo na sa kanilang baryo.
Samantala, magtatakip silim na at si Aron ay hinahanap na ng kanyang inang si Julia. "Maria, nalalaman mo ba kung saan naroon ang aking anak?", "Magkasama sila ng aking anak. Baka nandiyan lang sila sa may likuran.", sagot ni Maria. Napagpasyahan ni Julia na maghintay. Hanggang sa inabot na ng gabi ay wala pa ang dalawang bata. Nag-aalala na rin si Maria, at siya at si Julia ay nagpasyang magtanong tanong sa kapitbahay. "Nakita ko po sila na naglakad papuntang gubat." ang sagot ni Arthur na kaibigan din ni Arsenio. Lalong nag-alala ang dalawa at humingi na sila ng tulong sa mga barangay tanod.
"Aron, halika na at tayo ay umuwi na.", wika ni Arsenio. "Sandali, gusto ko makita kung saan nakatira ang puting kambing", sagot ni Aron.
Sa kanilang paghahanap ay napansin nila na ang kanilang dinaraanan ay pamilyar na sa kanila. "Hindi bat' dumaan na tayo dito?", ang wika ni Arsenio. "oo, nga, halika umuwi na tayo. Pero san ba ang daan naten pauwi?", wika naman ni Aron. Bigla nila nakita ang kambing at kanila itong hinabol. Hanggang sa dinala sila nito sa isang tribo. "halika Aron, may mga tao doon. Magtanong tayo kung saan ang daan pauwi", wika ni Arsenio. Lumapit ang dalawa sa mga tao at nagtataka sila kung bakit puti and kulay ng kanilang mga buhok. "narito kayo sa tribo ng mga Herpia, saan kayo galing at pano kayo nakarating dito?", nagtatakang tanong ng lalaki. "sinundan lang po namen and puting kambing." sagot ni Aron. Lumapit ang lahat sa dalawang bata. "hindi kayo maaaring makapasok dito sapagkat sagrado ang lugar na ito.", sagot ni Alisia, ang reyna ng tribo. Nagtataka man ang reyna kanya munang pinakaain at pinagpahinga ang dalawa. Nakatulog ang dalawa sa sobrang pagod.
Sa kabilang dako, patuloy pa rin ang paghahanap ng baryo sa dalawang batang nawawala.
Published with Blogger-droid v1.6.5

6 comments:

  1. Great to find out that there is a blog with short stories like these. Sa mga readers po ng blog na ito, I hope you can spare time to read my piece as well - http://www.freemindsfreelines.com/2013/01/walang-titulo-ang-mayamang-pobreng.html

    ReplyDelete