Saturday, April 25, 2009

Mga Tinig Sa Kalawakan (Episode 2): Isang Huni

Papauwi na si Maria at si Arsenio ng biglang may limang lasing na lalaki ang humarang sa kanilang dinaraanan. Ikinatakot ito ni Maria, sapagkat maaaring may gawin ang mga ito sa kanya at sa kayang anak. Siya ay biglang nilapitan at pwersang hinawakan ang kanyang mga kamay habang ang batang si arsenio naman ay kinuha ng isa. Takot na tako si Maria at hiniling na bitawan at wag sasaktan ang kanyang anak. Biglang umiyak ang bata. Kakaibang huni ang sa lugar ay umalingawngaw. Ito ay nakasasakit sa ulo. Agad na lumayo ang mga lalaki habang nakatakip sa kanilang mga tainga. Agad agad na dinampot ni Maria si Arsenio at sa sandaling iyon humina at nawala ang nakasasakit ng taingang huni. Dali daling umuwi si Maria at sya ay takot na takot sa pangyayari.

No comments:

Post a Comment