Monday, January 26, 2009

FRANCHESCO AT ZEBORAH


Dalawang magkaibang mundo and bumabalot sa sanlibutan. Ito ay ang mundo ng mga tao at sa kabilang dimension nito ay ang mundo ng kahiwagaan.

Sa mundo ng mga hiwaga, kabilang ang mga diwata na syang tagapag-balanse ng kalikasan.
Sa mundo ng mga tao, nakatira si Franchesco, isang sikat at mahusay na inhinyero sa lungsod. Mataas ang estado sa buhay ng kanyang pamilya. Si Franchesco ay taong mahilig mapag-isa. Ayaw niya ng ingay. Maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya dahil sa maganda niyang postura at mga matang malungkot.

Isang araw, nangailangan ang konstruksyon ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatago ng dam. Ang dam na ito ay siyang magiging pangunahing pagkukunan ng inumin sa lungsod. Si Franchesco ang naatasang naatasang maghanap ng mga kahoy na syang magiging pansamantalagang pundasyon. Sa kanilang paghahanap ng mga gagamiting kahoy napadpad si Franchesco at lima pa niyang kasamahan sa bundok kung saan maraming matitibay, naglalakihan at matatandang punongkahoy. Ang puno na ito ang siyang tirahan ng mga diwata. Ang pinakamatandang puno ay matatagpuan sa bundok na iyon. Ang punong ito ang siyang kinaroroonan ng kaharian ng Foseo. Dito nakatira si Prinsesa Zevorah.

Si prinsesa Zevorah ang pinakamagandang diwata sa mundo ng mga hiwaga. Ang magulang niya ang Hari at Reyna ng kaharian ng Foseo. Si Reyna Zetta at haring Xantra. Si Zevorah ay malambing, mabait at may gandang tila anghel.

Sa paglalakad nina Franchesco nakasalubon nila ang isang Ermitanyo. Humingi ng pagkain at tubig. Binigyan siya ni Franchesco. Nagwika ang ermitanyo, “Mag-iingat kayo sa mga diwatang nagbabantay kung ayaw nyong malagay sa panganib”.

Nagpasalamat ang ermitanyo at ibinigay ang kwintas na may asul na bato. Umalis na ang matanda at nagpatuloy sila sa paglalakad. Magtatakip silim na at sila’y nagpahinga sa isang kuweba. Si Franchesco ay naglakad-lakad sa mga puno. Paglingon niya sa likod, nakita niya ang isang magandang babae. Nabighani siya at natulala habang naglalakad ang babae. Sinundan niya ang babae subalit bigla itong nawala. Bumalik na si Franchesco sa pahingahan at ikinuwento ang nakita niya ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga kasama. Hindi mawala sa isip niya ang babae. Hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan niya ito. Maagang sinimulan ang pagpuputol ng kahoy. Sa isang puno ay nakatago si Zevorah. Dahil hindi siya nakikita ng mga kasama ni Franchesco, siya ay natamaan ng pamutol ng kahoy. Nasugatan siya at tumakbo. Nakita siya ni Franchesco at sinundan. Siya ay naabutan ni Franchesco at tinulungan. Nagpakilala ang lalaki at pinaunlakan naman ito ni Zevorah. Sila ay naglakad papunta sa tabing ilog. Sila ay nag-usap ar nangako sa isa’t-isa na muling magkikita. Sisikat na ang araw at lumayo na si Zevorah. Subalit siya ay nabigla sa kanyang nakita, madaming puno ang nakatumba at isa na dito ang punong lagusan papuntang Foseo. Agad siyang isinama ng kanyang mga kaibigan sa ibang lagusan. Ang pangyayaring iyon ay ikinagalit ni Haring Xantra. Ipinag-utos niya na ikulong ang mga kasama ni Franchesco sa isang mahiwagang isla. Dumating si Franchesco as lugar at hinanap ang mga kasamahan subalit hindi niya ito nakita.

Magtatakipsilim na at nagtungo na si Franchesco as tagpuan nila ni Zevorah. Simula noon madalas na silang magkita tuwing magtatakipsilim. Nalaman ito ng Hari na nakikipagkita siya sa isang tao at siya’y pinagbawalan. Si Franchesco ay umibig kay Zevorah. Iasng araw as pagpunta niya sa tagpuan, hindi sumipot si Zevorah. Lumipas ang mga araw ay di na nagpakita si Zevorah. Naging malungkutin ang dating masayahing si Zevorah. Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa pagtungo sa kanilang tagpuan si Franchesco. Subalit di na bumalik si Zevorah.

Ang kanyang Inang reyna at amang hari ay ipinagkasundo sya sa prinsipe ng kahariang Celeperes. Si Prinsipe Xomori ay isa ring mabuti at maginoong binata na syang umibig kay Prinsesa Zevorah. Subalit si Franchesco pa rin ay mahal ni Zevorah.

Makalipas ang apat na taon. Si Franchesco ay nagbalik muli sa tabi ng ilog kung saan sila nagtatagpo ni Zevorah. Ang mga puno ay nakakalbo na dahil sa pagtotroso ng mga tao. Sa kanyang paglalakad pauwi nakita niya ang ermitanyong nagbigay sa kanya ng kwintas. At ikinuwento niya ditto ang babaeng minahal niya na nakatira sa gubatan. Alam ng ermitanyo na isang diwata iyon at sinabi it okay Franchesco. “Saan ko siya matatagpuan?” wika ni Franchesco. “Iba ang mundo ng mga diwata sa mundo ng mga tao” sagot naman ng ermitanyo. Subalit upang marating ang mundo ng mga hiwaga kakailanganing mabuo ang tatlong mahiwagang bato. Ang asul ay nasa kanya na, luntiang bato ay nasa pangagalaga ng mga duwende. Ang pulang bato ay nasa tiyan ni Tofro. Si Tofro ay isang halimaw na mayroong taltlong matutulis na sungay at buntot na animoy’s sa buwaya. Agad inalam ni Franchesco ang kinaroroonan ni Tofro. Siya’y naghanda at kanya itong pinuntahan.

Sa kabilang mundo, pinagmamasadan ni Zevorah si Franchesco sa isang kristal na salaaming tubig. Mababakas ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata.

Nakarating si Franchesco sa kinaroroonan ng halimaw. Ito ay kanyang hinarap subalit ito’y malakas at siya’y hinampas ng buntot at tumilapon sa ilog. Nawalan sya ng malay at napadpad sa isang lugar na mayroong maliliit na bahay. Sa kanyang paggising nagulat sya sa nakita, mga maliliit na nilalang na nakapaikot sa apoy na malapit sa kanya. Kinausap sya ni Haring Dionde at ito’y nagulat sa nakita. “Saan mo nakuha ang kwintas na iyan?” Bigay po ito ng kaibigang ermitanyo”, sabi ni Franchesco. Ang ermitanyong iyon ay ang matalik na kaibigan ni Haring Dionde. At sya’y tinulungan na talunin si Tofro. Binigyan sya ng kagamitan upang mapatay ang halimaw. Ang halimaw na iyon ay kaaway din ng mga duwende.

Dahil sa mga kagamitan natalo ni Franchesco ang halimaw at kinuha nya sa tiyan ang pulang bato.

Sa Foseo, dina abot ng kristal na salamin ang kninaroroonan ni Franchesco kayat nangangamba at nag-aalala na si Zevorah. Kunausap siay ng kanyang ina tungkol sa nalalapit nitong kasal sa Prinsipe ng Celeperes. Subalit ayaw pumayag ni Zevorah sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Si Zevorah ay naglayas at hinarap ang kinaroroonan ni Franchesco subalit lubhang makapangyarihan ang hari at siyay pinasundan at pinabalik sa kaharian.

Ang mga duwende ay tuwang tuwa sa pakapatay sa halimaw. Ang kaharian ni Dionde ang natitirang kaharian sa Dwartopia. Ito ay sinunog ng mga mangangaso. Ang tanging makakapagbalik lamang dito ay ang diyamante. Ang diamante ay may kaopangyarihan na magbigay liwanag sa buong kaharian ng Dwartopia. Nangako si Franchesco na hahanapin nya ang diyamanteng iyon. Nang sya’y paalis na inabot sa kanya ng haring Dionde ang luntiang bato. Syay nagalak sa tuwa at agad inilagay sa kwintas. Ang tatlong bato ay Sali’t salitang kumikinang. Siya’y napaalam at agad nagtungo sa kanilang tagpuan ni Zevorah. Itinaas nya ang kwintas at ito’y biglang lumiwanag. Ang tatlong kuly ay nagsama at nagging isang putting liwanag at isaing sinag ng liwanag ang nagging daanan papunta sa mundo ng mga hiwaga.

Nalaman ito ng hari at pinadakip si Franchesco. Nagkitang muli si Zevorah at Franchesco. Subalit di pinalapit si Zevorah kay Franchesco. Ipinaliwanag ng reyna na kalianman ay hindi maaaring magsama ang tao at ang binata sapagkat makaibang nilalang ang mga ito. Lumapit si Franchesco kay Zevorah at niyakap nya ito, sublalit siya’y tumagos lamang kay Zevorah. “Pilitin nyo mang kayo’y magsama at hindi maaari sapagkat ang laman ng tao ay iba sa ispirito ng diwata”, sabi ng hari. Umiyak ang prinsesa at niyakap ang kanyang ina. Napaluhod si Franchesco at sumigay “mahal kita Zevorah!”. Si Zevorah ay inilayo na at si Franchesco ay ipinatapon ng hari sa mundo ng mga tao.

“Ito ang isang diyamante. Tanggapin mo ito bilang kabayaran at huwag na muling bumalik pa.”, sabi ng hari. Ito ay tinanggap ni Franchesco at siya ay lumabas sa mundo ng hiwaga. Sinisigaw ni Franchesco ang pangalan ni Zevorah. Ang mga paghihirap niya ay nasayang sa pag-aakalang sila ay makakapagsama na.

Nakarating kay Zevorah ang pagtanggap ni Franchesco sa diamanteng ibinigay ng hari. Sinabi ng hari na pareho din si Franchesco ng ibang tao na sakim sa kayamanan. Mula noon pinilit na ni Zevorah na kalimutan si Franchesco. Siya ay pumayag na magpakasal kay Prinsipe Xomori. Sa ika-labing syam na araw sila ikakasal.

Subalit hindi makalimutan ni Zevorah si Franchesco. Sakabilang mundo, nagtungo si Franchesco sa lugar ng mga duwende at iniabot niya kay Haring Dionde ang diyamante. Anong galak ng mga duwende sa nakita. Puting diyamante na kumikislap sa liwanag. Ito’y itinaas ni Haring Dionde ay muling nanumbalik ang dating sigla ng kaharian ng Dwartopia. Laking pasasalamat ng mga duwende kay Franchesco.

Nakarating sa kahariang Foseo ang ginawa ni Franchesco sa Dwartopia. Ang pag-aakala nilang sakim si Franchesco sa kayamanan ay mali pala. Subalit huli na ang lahat, ikakasal na si Zevorah kay Prinsipe Xomori.

Sa kanilang mundo, di Franchesco ay binalik na sa kanilang bahay. Nagulat ang kaniyang magulang sapagkat siya’y nawala ng limang taon. Bumalik sa normal ang pamumuhay ni Franchesco, subalit ang pagmamahal niya Zevorah ay nasa puso pa rin niya. Marami siyang nakilalang babae subalit para sa kanya hindi mapaplitan nino man si Zevorah.

Isang araw, habang patawid siya ng kalsada, isang sasakyan ang bumunggo sa kanya. Dinala siya sa ospital, subalit huli na ang lahat, si Franchesco ay binawian na ng buhay.

Nalaman ito ng mga dwende at kinuha ang kanyang katawan. Umiyak at nalungkot ang mga dwende subalit ang kwintas na sa kanya’y nakasabit ay biglang lumiwanag at ang kanyang espiritu ay binalot ng nagniningning na liwanag. Ang takip-silim ay biglang nagliwanag. Ang espiritu niya’y nagkaroon ng buhay at siya’y naging isang diwata. Tinwag siyang Xanchesco ng mga dwende. Siya’y biglang naglaho at nagpunta sa kaharian ng Foseo. Doon ay ikinakasal na sina Princessa Zevorah at Prinsipe Xomori. Pumasok si Xanchesco sa templo at ang lahat ay nabigla sa nakita. “Zevorah!” ang malakas na sigaw ni Xanchesco. Nang siya’y Makita ni Zevorah, nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit. Nagulat ang reyna at hari sa nakita, ang dating tao na si Xanchesco ay isa nang ganap na diwata. Sa kapangyarihan ng pag-ibig ay nagawang pagtapuin ang dalawang magkaibang nilalang na sina Franchesco at Prinsesa Zevorah. Alam ni Xomori na si Franchesco ang tunay na minamahal ni Prinsesa Zevorah kaya’t minabuti niyang huwag nang ituloy ang kasal. Nang makita ni Haring Tantra ang busilak na pagkatao ni Franchesco ay hindi na niya hinadlangan pa ang pag-ibig ng binata para sa kanyang mahal na prinsesa. Hindi nagtagal at ikinasal sina Xanchesco at Prinsesa Zevorah. Sila ay namuhay na puno ng pagmamahalna at puno ng kaligayahan.

No comments:

Post a Comment